Bumagal at mas lumakas pa at naging super typhoon na ang bagyong “Julian”.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa may 205 kilometer ng Itbayat, Batanes.
May taglay itong lakas ng hangin na 185 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 230 kph.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 ang mga lugar ng : Batanes, Babuyan Islands, northern Ilocos Norte (Bacarra, Pasuquin, Bangui, Vintar, Burgos, Pagudpud, Dumalneg, Adams), at bahagi ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira).
Habang nasa signal number 1 naman ang natitirang bahagi ng Ilocso Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, the rest of mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, northern Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan), at northern Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Pantabangan).
Inaasahan na mula ngayong araw hanggang bukas ay tuluyang babagtasin nito ang Taiwan.
Maaring ma-downgrade ito sa severe tropical storm kapag tuluyan ng maglandfall sa Taiwan.