Mas lumakas ang bagyong “Julian” habang ito ay nagbabanta sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa may 125 kilometers Southeast ng Basco, Batanes.
May taglay itong lakas na hangin ng hanggang 150 km/r at ang pagbugso ng hanggang 187 kph.
Nakataas ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) number 4 sa Batanes at northeastern ng Babuyan Islands.
Habang nasa TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) number 4 ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands habang TCWS No. 2 sa Mainland Cagayan, Apayao at Ilocos Norte habang TCWS number 1 sa Ilocos Sur, La Union, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, and the northern and central portions of Aurora sa mga bayan ng Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler at San Luis.
Ibinabala ng PAGASA na mapanganib ang paglalayag sa mga lugar kung saan nakataas ang tropical cyclone wind signals.
Inasahan na maglalandfall sa araw ng Lunes ang bagyong “Julian” sa Batanes.
Sa loob ng 48 oras ay maaring maging super typhoon ito bago mag-landfall muli sa southern Taiwan.