-- Advertisements --
Screenshot 20211018 160233 Office

Walang piyansa o non-bailable ang desisyon ng Department of Justice (DoJ) panel of prosecutors sa kasong isasampa laban kay Julian Roberto S. Ongpin na sangkot sa pagkamatay sa Davao based artist na si Breana “Bree” Jonson.

Pero ito ay para sa kasong paglabag sa Section 11 o illegal possession of illegal drugs sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa briefer na inilabas ng DoJ ngayong araw lamang, nakasaad ditong ang criminal information laban kay Ongpin ay isasampa sa Regional Trial Court (RTC) ng San Fernando City, La Union.

Kung maalala, noong Setyembre 18 nang matagpuan ng mga pulis ang 12.6 grams ng cocaine sa loob ng hotel room ni Ongpin sa beach resort sa San Juan, La Union kung saan natagpuan na walang malay si Jonson.

Base rin sa ulat ng PNP, positibo sa cocaine si Julian at Breanna kaya agad nagsampa ang pulisya ng illegal drugs case laban kay Julian sa Office of Provincial Prosecutor ng La Union pero agad din itong pinakawalan.

Dahil dito, noong Setyembre 24, nag-isyu na si Justice Secretary Menardo Guevarra ng Department Order No. 229 para ilipat ang preliminary investigation sa kaso ni Ongpin sa Office of the Secretary of the Prosecution Staff (OSJPS) ng DoJ.

Kasunod nito, ipinag-utos din ni Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ni Breanna.

Noong Oktubre 8, naglabas naman ang Executive Judge ng Regional Trial Court ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Julian na anak ng negosyante at dating Trade and Industry Minister na si Roberto V. Ongpin.