Inaasahan na raw ng National Bureau of Investigation (NBI) na magpapakita sa susunod na linggo si
Julian Ongpin na isinasangkot sa pagkamatay ng artist na si Breana “Bree” Jonson.
Ayon kay NBI Director Eric Distor, mahalaga ang paglutang ni Ongpin Sa NBI para sagutin ang kanyang subpoena.
Una rito sinabi ng ama ni Julian na si Roberto Ongpin, isang negosyante na natanggap na nila ang subpoena sa Baguio City.
Pagkakataon na rin daw ito ng nakakabatang Ongpin na maibigay ang kanyang pahayag at mailahad ang kanyang kuwento sa totoong nangyari sa pagkamatay ni Bree sa La Union.
Kung maalala, Setyembre 22 nang matagpuan si Jonson na wala nang malay sa kanilang hotel room sa isang beach resort sa La Union.
Inilibing naman ito sa Davao noong Setyembre 30.
Sa ngayon, inumpisahan na raw ng NBI na pag-aralan ang mga body fluids at mga kuko na nakuha sa labi ni Jonson.