-- Advertisements --
Julian Ongpin Bree DOJ

Kinuwestiyon ni Julian Ongpin na nasasangkot sa pagkamatay ng Davao based artist na si Bree Jonson ang hakbang ng Department of Justice (DoJ) matapos ipag-utos na sampahan ito ng reklamong may kaugnayan sa iligal na droga.

Kung maalala, natagpuan sa hotel room na tinuluyan ng magkasintahan sa beach resort sa La Union ang 12 gramo ng cocaine.

Maliban dito, lumalabas din sa drug test na positibo si Bree at Julian sa paggamit ng iligal na droga.

Sa panig ni Ongpin, anak ng bilyonaryo at dating Trade secretary Roberto Ongpin, pinagkaitan daw ang nakababatang Ongpin ng kanyang right to appeal sa resolusyon na inisyu ng government prosecutors.

Dahil dito, hiniling ni Ongpin sa Regional Trial Court (RTC) ng San Fernando City sa La Union na ipagpaliban muna ang pag-isyu ng arrest warrant sa kanya at ang pagsuspindi sa proceedings sa kanyang controversial drug case.

Ipinaliwanag pa ni Ongpin na nalaman lamang niya ang DoJ resolution na nagrerekomenda sa kanya na sampahan ng reklamo sa online news portals.

Sinabi nitong dapat daw bigyan muna sila ng kopya ng resolusyon bago ito lumabas sa media.

Binigyang diin din nitong ang sinasabing droga ay nakuha sa bag ni Jonson na natagpuang walang malay sa kanilang inupahang silid noong Setyembre 18.