Patuloy ang pagbilis at paglakas ng bagyong “Julian” habang ito ay nasa Balintang Channel.
Base sa datos ng PAGASA, na ang sentro ng bagyo ay nasa 95 kilometro ng Southeast ng Basco,Batanes.
May taglay pa rin ito ng lakas ng hangi na aabot sa 155 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 190 kph.
Nakataas ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) number 4 sa Batanes, Babuyan Island at Calayan Island.
Habang signal number 3 naman ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan ang Sant Ana.
Nasa signal number 2 naman ang natitirang bahagi ng mainland Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Nakataas naman ang signal number 1 naman sa mga sumusunod na lugar: Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, the northern at eastern Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Munoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad), at Polillo Islands.
Inaasahan na maglalandfall ang bagyong Julian sa Batanes sa umaga o hapon ng Lunes bago ito tuluyan nitong babagtasin ang Taiwan.
Asahan pa na tuluyang makakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa araw ng Huwebes.
Dahil dito ay pinayuhan ng PAGASA ang mga nasabing lugar ang lubos na pag-iingat at iwasan ang paglayag sa mga lugar na may nakataas na typhoon signal.