“Deny nor confirm” pa rin si Juliana Gomez mahigit kalahating taon na mula nang maging usap-usapan na may romantic relationship sila ng national athlete na si Miggy Bonnevie-Bautista.
Ito’y sa kabila ng napapadalas na pag-post nito ng mga larawan nila ni Miggy na pinakabago ay yaong kuha sa lake adventure bagama’t kasama ang ilang kaibigan.
Seksing seksi ang unica hija nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez sa suot na two-piece orange swimsuit habang ka-holding hands si Miggy nang tumalon sa Lake Danao sa Ormoc.
Mayroon din siyang larawan ng bouquet of flowers na tila bigay ni Bautista sa kanya.
Ni-repost ni Miggy sa kanyang “IG stories” ang larawan nila ni Juliana, pero wala siyang inilagay na caption.
Kapwa miyembro ang rumored “love birds” ng Philippine Fencing Association kung saan si “Goma” mismo ang head coach.
Taong 2018 nang naging miyembro si Miggy ng Philippine Fencing team si Miggy at sa parehong taon din nasungkit ang gold medal sa individual juniors epee competition ng Philippine National Junior and Cadet Fencing Championship
Nanalo naman siya ng bronze medal sa U17 division ng National Swiss Cadet Competition na ginanap sa Switzerland.
Kung maaalala, kasabay ng pagtungtong sa edad na 20 noong nakaraang taon ay panay naman ang post ng unica hija nina Richard at Lucy sa kanyang pambihirang sexy photos.