-- Advertisements --

Nagkamit ng gintong medalya si Juliana Gomez sa West Java Fencing Challenge 2022 sa Bogor, Indonesia.

Sa social media post ng ama nitong dating actor at Rep. Richard Gomez, na binati niya ang anak at maging ang coach nito na si Benny Garcia.

Ang panalo nito ay kasunod na tagumpay niya noong nakaraang buwan sa Air Force Open Fencing Championship sa Bangkok, Thailand.

Kasalukuyan din itong nagsasanay sa national fencing team na nagkataon na ang ama nito ang pangulo ng Philippine Fencing Association.

Noong 2019 ay sumali siya sa volleyball team ng Univeristy of the Philippines (UP) subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay bumalik ito sa fencing.

Ang ama nito ay isang miyembro ng national fencing team ng bansa.