-- Advertisements --

Dream come true para kay Julie Ann San Jose ang pagbida nito sa tanyag na Times Square sa New York.

Ito’y matapos bigyan ng electronic billboard ng isang music streaming service.

Ayon sa 27-year-old singer, hindi siya makapaniwala pero labis ang pasasalamat sa naturang karangalan.

Nitong Pebrero lang nang pangalawa namang beses maging tampok ng actress/socialite na si Heart Evangelista sa parehong billboard, kasabay ng kanyang kaarawan.

“Waking up to my 2nd billboard on time square NY! Such a blessing on my birthday!!! šŸ™‚ grateful!” ani Evangelista.

Kung maaalala, taong 2020 nang mapili si Julie Ann na umawit sa soundtrack ng international animation film na ā€œOver the Moon.ā€

Nangangahulugan ito na pumasa sa taste ng isang American streaming service ang kanyang local version sa awiting ā€œRocket to the Moon.ā€

Unang rendisyon ng nasabing awitin ay mula sa Fil-Chinese actress na si Cathy Ang.