-- Advertisements --
Hindi makakapaglaro ng hanggang anim na linggo si San Miguel Beermen star player June Mar Fajardo.
Ito ay matapos na magtamo ng pilay sa kaniyang kaliwang kamay.
Natamo nito ang injury sa panalo ng Beermen kontra Rain or Shine sa nagpapatuloy na PBA Commissioners’ Cup.
Sinabi ng Beermen team manager Ge Abanilla, na na-diagnosed si Fajardo ng metacarpal fracutre of fourth digit.
Umaasa ang koponan na hindi gaano kalala ang nasabing injury para agad na makabalik na ito sa paglalaro.