-- Advertisements --

Inaasahan na hihimukin ni Italy Prime Minister Giuseppe Conte na pagbitiwin sa pwesto ang isang junior minister na nasangkot sa graft scandal sa kabila ng pag-alama ng coalition partner.

Kamakailan lang ng isailalim si Armando Siri, isang transport ministry undersecretary at economic adviser ni League chier Matteo Salvini, dahil sa di-umano’y pagtanggap nito ng suhol upang itaguyod ang interes ng mga renewable energy firms.

Nais ni Salvini na manatili sa kanyang posisyon si Siri habang inaasahan naman ng pinuno ng 5-Star Movement ang pabibitiw nito sa pwesto. Ang pagtatalo na ito ay nag-ugat dahil sa mga bagong ispekulasyon sa unti-unting pagbagsak umano ng gobyerno pagkatapos ganapin ang European Parliament election sa May 26.