-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng pamunuan ng Philippine Navy ang kanilang Junior Officer na idinawit sa Philippine Offshore Gaming Operator investigation sa senado.

Layon nito na malinaw ang pangalan nito na umanoy biktima lamang ng “identity theft”.

Ang naturang pahayag ay ginawa ni Philippine Navy Public Affairs Director Commander John Percie Alcos kasunod ng inilabas na impormasyon na kung saan dawit umano si Junior Officer Lieutenant Jessa Mendoza bilang incorporator ng ilang POGO.

Paliwanag ni Commander Alcos, nagsagawa na ang kanilang hanay ng internal inquiry kasama si Lt. Mendoza.

Layon nito na mabigyan ng linaw ang mga paratang na ito at kung paano na dawit ang kanyang pangalan sa naturang usapin.

Pagmamalaki pa ng Philippine Navy na walang bahid ng anumang uri ng masamang record ang pangalan ni Lt. Mendoza na aniya ay dekada nang nag serbisyo sa Philippine Navy.

Nagpaalala naman si Alcos sa lahat ng mga tauhan ng Philippine Navy na mag ingat online para hindi mabiktima ng “identity fraud”.