-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Natupok ng apoy ang bahagi ng junkshop sa Purok, San Fermin, Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Jovelyn Tumlos , ina ng may-ari ng junkshop na nagulat ang isa sa kanilang mga tauhan nang biglang umapoy ang isang sako hanggang lumaki ang apoy dahil mga plastic ang laman ng sako bukod pa sa mainit na lagay ng panahon.

Kaagad nilang ginamit ang kanilang fire extinguisher at mayroon na ring tumawag sa BFP Cauayan City na agad tumugon sanhi para maapula ang apoy.

May hinala si Gng. Tumlos na nagmula ang apoy mula sa tumalsik na baga mula sa mga pinuputol na bakal at napunta sa sako na may lamang mga plastic.

Maaring hindi napansin ng kanilang empleyado ang tumalsik na baga ng pinuputol na bakal sa sako na pinagmulan ng sunog.

Nagpapasalamat si Ginang Tumlos dahil walang nasaktan sa naturang sunog.