Nakumpleto na ang 12 person jury at anim na alternative jurors matapos ang apat na araw pagpili na siyang didinig sa hush money criminal case laban kay dating US President Donald Trump.
Dahil dito ay itinakda na sa Lunes ang gagawing opening statements sa kampo ni Trump.
Tiniyak naman ni Trump na dadalo ito sa pagdinig.
Hindi naman pinayagan ni Judge Marsha Michael ang motion for interim stay ni Trump kung saan hinirit nito ang paglipat ng korte sa pagdinig ng kaniyang kaso.
Matapos ang hearing ay tinawag ni Trump na ang nasabing kaso laban sa kaniya ay isang uri ng “witch hunting” na isang dahilan para pigilan siyang mangampanya para sa halalan sa buwan ng Nobyembre.
Nagbunsod ang kaso dahil sa pagbabayad umano ni Trump ng ilang daang libo sa porn star na si Stormy Daniel para ito ay manahimik at ng hindi makasira sa pagtakbo sa pulitika ni Trump noong 2016.