-- Advertisements --

Ibinunyag ng K-pop group Just B member na si Bain na ito ay bahagi ng LGBT community.

Isinagawa ng 23-anyos ang anunsiyio sa harap ng mga fans nito sa kaniyang solo concert sa Los Angeles.

Naging mainit naman na tinanggap ng mga fans ang pagbubunyag niya.

Nanawagan ito sa mga nais gayahin ang kaniyang paglalantad na huwag ng magdalawang isip dahil sa marami ang magmamahal sa kanila.

Maging ang kaniyang mga kasamahan sa grupo ay tinanggap ang kaniyang paglalantad.

Ang grupo ay binuo noong 2021 na mayroong anim na miyembro kung saan naglabas sila ng limang album.