-- Advertisements --

Sumakabilang-buhay na ang beteranang aktres na si Anita Linda.

Ito’y base umano sa kumpirmasyon ng kanyang anak na si Francesca Legaspi sa Philippine Star.

Wala pa namang nabanggit kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng tinaguriang “oldest active actress” sa edad na 95.

Ilan sa pelikula ng award-winning actress ang “Ang Babae sa Bubungang Lata,” at pinakahuli ay ang “Circa” na naging entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino. (photo from Francine Prieto’s Twitter post)