-- Advertisements --

Malabon Mayor Oreta

Umapela ng dasal ang pamilya ni Tessie Aquino-Oreta kasunod nang kumpirmasyon na pumanaw na ang dating senador.

Sa Facebook post ng kaniyang anak na si Mayor Antolin “Lenlen” Oreta, sumakabilang-buhay ang kanyang ina bandang alas-10:48 kagabi.

Sa paglalarawan ni Mayor Oreta, isang public servant ang kanyang ina sa buong bansa lalo na sa adopted hometown nila sa Malabon.

Nakakalungkot aniya na namaalam na ang isang mapagmahal na ina, lola at asawa.

Wala namang nabanggit ang alkalde hinggil sa dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina na dating senadora sa edad na 75.