Nagkaisa ang majority ng US House of Representatives para mapatalsik sa puwesto si US President Donald Trump.
Sa unang article of impeachment, inanunsyo ni House Speaker Nancy Pelosi ang botong 230-197 para sa isyu ng abuse of power laban kay Trump.
Nangangahulugan ito na haharap ang 73-year-old president sa US Senate na siyang magdedesisyon kung ito ba ay dapat pang manatili sa puwesto.
Sa ngayon ay pagbobotohan naman ng mga mambabatas sa Amerika ang pangalawang articles of impeachment- ang obstruction of Congress.
Batay sa mga impormasyon, si Trump ay nasa campaign rally sa Michigan kasama si Vice President Mike Pence, habang isinasagawa ang botohan.
Si Trump ang pangatlong pangulo sa kasaysayan ng Amerika na pina-impeach ng kanilang House of Representatives.
Ang dalawang nauna ay sina Andrew Johnson noong 1868 at Bill Clinton noong 1998
May mga dagdag pang detalye…