-- Advertisements --

Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt/Gen. Vicente Danao bilang OIC (officer-in-charge) ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay base sa anunsyo ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año kaugnay ng pagreretiro sa serbisyo ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa darating na Mayo 8, o isang araw bago ang halalan.

“The President has just designated PLtGen Vicente Dupa Danao Jr as Officer In Charge of the Philippine National Police to replace PGen Dionardo Carlos who is retiring on 08 May 2022,” mensahe ng kalihim.

Una nang sinabi ni Año sa Bombo Radyo na dalawang pangalan ng PNP officers ang kaniyang isinumite kay Pangulong Duterte kabilang nga ang PNP Deputy Chief for Operations na si Danao Jr., na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1991.

Naiulat din na kung ang PNP leadership ang susundin, si PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia ng PMA of 1989 ang otomatikong susunod sa pwesto.

Lumabas din ang pangalan ni National Capital Region Police Office Chief M/Gen. Felipe Natividad na miyembro ng PMA Class of 1990.