Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang pag-basura sa mga kasong kriminal na inihain sa first level courts ng walang reasonable certainty of conviction.
Ang first level courts gaya ng municipal trial courts (MTCs), municipal trial courts in cities (MTCCs) at metropolitan trial courts (MeTCs) ang mayroong hurisdiksiyon sa mga kasong kriminal na may parusang pagkakakulong ng anim na taon.
Base sa guidelines na inisyu ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, maituturing na mayroong reasonable certainty of conviction kapag mayroong umiiral na “prima facie case” base sa hawak na ebidensiya kabilang ang salaysay ng mga testigo, documentary evidence, real evidence at kapag ang naturang ebidenisya ay hindi tinatanggi ng akusado ay sapat na para ma-establish ang lahat ng elemento ng krimen o paglabag.
Ayon pa sa DOJ na matagal ng panahon ng requirement para sa paghahain ng mga kaso sa korte ang probable cause na nagdudulot aniya ng delubyo sa isinampang criminal cases sa korte.
Bilng resulta, dumaranas ang mga detention centers sa bansa ng malalang congestion rate ng mga preso at hindi makataong kalagayan ng mga ito.
Paglilinaw naman ng DOJ na ang naturang guidelines ay hindi applicable sa mga nakabinbing kaso na intimately-related o closely-corresponding sa mga kasong pending pa sa regional trial courts (RTCs) at Appellate Courts.