-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang Justice Minister ng Brazil na si Sergio Moro.

Ito ay matapos ang pakikipag-alitan niya kay Brazil President Jair Bolsonaro.

Sinabi ni Moro na tinotoo lamang nito ang kaniyang banta na ito ay magbibitiw kapag tinanggal ni Bolsonaro ang federal police chief nito na si Maurcio Valeixo.

Naging sikat na minister si Moro dahil siya ang humahawak ng pinakamalaking kurpsyon na nangyari sa nasabing bansa.

Nagsagawa naman ng noise barrage ang mga anti-corruption crusader matapos na mabalitaan ang pagbibitiw ni Moro.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay sinibak ng Brazil President ang health minister nito na si Luiz Henrique Mandetta dahil sa mabagal na hakbang nito sa coronavirus pandemic.