Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang justice minister ng Cyprus dahil sa kasong patayan na hindi inimbestigahan.
Kasunod ito nang pag-amin ng 35-anyos na Greek-Cypriot army officer na nakapatay ng pitong migrants na babae.
Sinabi ni Ionas Nicolaou, na ang rason ng kaniyang pagbaba sa puwesto ay dahil sa “political responsibility.”
Gayunman, nilinaw nito na wala siyang kinalaman sa nasabing kaso.
Inakusahan kasi ang opisyal na hindi nito pag-iimbestiga sa kaso dahil lang ang mga biktima ay mga migrants.
Una nang kinilala na kabilang sa pinatay ay sina Mary Rose Tiburcio, 39; Arian Palanas Lozano, Maricar Valtez Arquiola na pawang mga domestic workers mula sa Pilipinas.
Kasama rin sa idinamay ng serial killer ay ang anak ni Tiburcio na si Sierra, 6.
Ang serye nang patayan ay nagbunsod sa ilang mga residente sa Cyprus na magsagawa nang kilos protesta upang hilingin ang hustisya para sa mga biktima.
Ilan sa mga detalye na lumabas sa court hearings, AY sinabi umano ng army officer na nakilala niya ang ilang mga babae sa pamamagitan ng online dating site.
Iniulat naman ng State-run Cyprus News Agency na nagsabi raw ang mga imbestigador sa korte na inamin daw ng suspek na sinakal niya ang isa mga biktima na kanyang nakilala online matapos makipag-sex.