-- Advertisements --
Binalaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Timor-Leste President José Ramos-Horta na maaaring lumipat sa kanilang bansa ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) matapos na ipagbawal ito sa Pilipinas.
Bumisita kasi ang kalihim sa Timor Leste kung saan personal niyang nakasalamuha si President Ramos-Horta.
Isa sa mga natalakay dito ay ang mensaheng nais iparating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na opisyal ng ipinagbawal sa Pilipinas ang POGO kaya maaaring ang Timor-Leste ang target na paglipatan ng mga ito.
Kasama rin na tinalakay ang security issues at ang extradition ng pinatalsik na mambabatas na si Arnolfo Teves Jr.
Umaasa si Remulla na makikipagtulungan ang Timor-Leste para tuluyang mapabalik si Teves sa Pilipinas.