Ibinunyag ng Department of Justice na maaaring makapasok ng bansa ang mga kinatawan ng International Criminal Court sa ilalim ng ilang mga kundisyon na kinakailangan nilang sundin.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, posibleng mabigyan ng pagkakataon makapasok sa bansa ang mga kinatawan ng naturang international body kung sila ay makikipag -usap sa Department of Foreign Affairs.
Naniniwala rin ang kalihim na kaagad namang ipagbibigay alam ng DFA sa DOJ sakaling subukan ng ICC na humingi ng clearance.
Kinakailangan din muna aniyang malaman kung ano ang mga balak nilang gawin dahil ito ang magsisilbing basehan kung paano kikilos ang gobyerno.
Sinabi pa ni Remulla na nakahanda ang gobyerno upang makinig
Paliwanag pa ni Remulla, ayaw naman nilang makipag supladuhan sa mga bansang maayos makipag-usap.
Sa kabila nito ay muling iginiit ng kalihim na ang panghihimasok ay hindi katanggap tanggap
Narito pa ang bahagi ng naging pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.