Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano’y isa pang insidente ng hazing sa isang estudyante sa Cebu na si Ronnel Baguio kasabay din ng paglulunsad ng imbestigasyon sa kaso ng hazing sa Adamson student na si John Matthew Salilig.
Una ng nananawagan nitong Huwebes ang ina ni Baguio para mapabilis ang paglutas sakaso ng kaniyang 20 anyos na anak na nasawi dahil sa hazing.
Nasawi si Baguio noong Disyembre 2022 dahil sa Severe Acute Respiratory Distress Syndrome Secondary to Indirect Lung Injury, Acute Kidney Injury secondary to Rhabdomyolysis, at Acute Kidney Injury secondary to Rhabdomyolysis.
Habang natagpuan naman ang bangkay ni Salilig sa isang bakanteng lote sa may Imus, Cavite.
Naghain na rin ang Binan City Police nitong Huwebes ng reklamo laban sa anim na indibidwal na iniuugnay sa pagkamatay ni Salilig.
Ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano inaantay pa ng DOJ ang isusumiteng initial report na magmumula sa NBI.