Binatikos ni Atty. Salvador Panelo si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla dahil sa pagkaka dektalara kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. bilang terorista ng Anti- Terrorism Council kamakailan.
Itoy dahil rin sa pag-aakusa kay Teves bilang utak umano sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 4 ng kasalukuyang taon.
Sa isang Forum , sinabi ni Panelo na trinabaho ni Remulla sa Anti- Terrorism Council ang deklarasyon kay Teves bilang terorista.
Naniniwala ang dating chief presidential legal counsel at ex-spokesman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mali ang ginawang hakbang ni Remulla.
Mali rin aniya na mag-akusa at manghusga ng isang tao ng walang matibay na basehan.
Katulad ni Teves ay kinasuhan din si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag ng wala man lang isinagawang preliminary investigation ayon kay Panelo.
Kung maaalala, sinampahan si Bantag ng kasong pagpatay matapos akusahan na utak sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Lapid.