-- Advertisements --

Pinuri ni ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang Bureau of Immigration (BI) matapos nitong maharang at maaresto ang isang Australian drug trafficker na isang miyembro ng kilalang Mexican Sinaloa drug cartel.

Kinilala ang suspect na si Gregor Johann Haas 46 anyos na isang high-profile fugitive.

Si Haas ay naaresto noong May 15, 2024 sa Bogo, Cebu matapos na magpalabas ng notice ang Interpol.

Nag-ugat ang red notice sa isang reklamong kriminal na inihain ng mga awtoridad ng Indonesia na inaakusahan si Haas ng pagtatangkang pagpuslit ng mga droga na nakatago sa floor ceramic mula Guadalajara, Mexico patungo sa Indonesia.

Ayon kay Remulla, ang pagkakaaresto kay Haas ay patunay lamang ng dedikasyon ng BI na gampanan ang kanilang mandato at ipatupad ang batas.

Kasalukuyang nakakulong ngayon si Haas sa BI Warden Facility sa Camo Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang deportation proceedings laban dito.