-- Advertisements --
image 228

Pinayuhan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin C. Remulla ang mga prosecutors na huwag i-apela sa kaniyang ang petition for review sa kasong iligal na droga na inihain laban sa kanyang anak na si Juanito Jose D. Remulla III.

Nakasaad kasi sa batas na maaaring e-apela sa Office of the Secretary of Justice ang resolusyon para e-review.

Dagdag pa ni Justice Remulla, ang kaniyang pinsan ang siyang abogado ng kaniyang anak na si Juanito.

Alam aniya ng abogado ng anak niya na hindi na maaaring umabot pa sa kaniyang opisina ang kaso.

Paulit-ulit na idineklara ni Remulla na hindi niya pakikialaman o iimpluwensyahan ang kahihinatnan ng mga kaso ng droga na kinakaharap ng kanyang anak.

Ang kaso sa pag-aangkat ng iligal na droga ay inirefer na sa piskalya ng Pasay City.