-- Advertisements --

Ibinunyag ni Justin Bieber na ito ay may Lyme disease isang uri ng bacteria infection mula sa kuto.

Sa kaniyang Instagram account, sinabi nito na naapektuhan ng nasabing bacteria ang kaniyang balat, paggana ng utak, lakas at buong kalusugan.

Kaniyang buong ipapaliwanag ang sakit sa video na kaniyang ipopost sa Youtube channel nito.

Nagpasalamat na lamang ito dahi nalampasan na niya ang nasabing impeksyon.

Base sa pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention nasa 300,000 mga Americans ang nadadapuan ng nasabing sakit.