-- Advertisements --

Idinetalye na ni Justin Bieber ang paglabas ng kaniyang bagong album.

Sa kaniyang social media account, sinabi nito na ilalabas na ang ika-limang album nito na “Changes” sa darating na Pebrero 14.

Ito ang unang beses na makakasama ng 25-anyos na Candian singer ang American singer-songwriter na si Kehlani.

Kasabay din nito ay inanunsiyo niya ang pagsisimula ng tour sa Mayo 14 sa Seattle, Washington.