Namataan si Justine Bieber na nag-isnowboarding sa Aspen, Colorado, isang taon matapos ang pansamantalang pagpapahinga sa show business.
Ineenjoy ni Justin ang taglamig sa pag-isnowboarding. Malaya rin na ginugugol ng 29-year-old na singer ang bakasyon kasama ang kanyang kaibigan, habang nakasakay sa chairlift.
Inanunsyo ni Justin ang pansamantalang pagpapahinga sa showbiz noong June 2022, matapos madiagnose na may Ramsay Hunt Syndrome, isang neurological disorder na nagdudulot ng facial paralysis.
Nagviral ang video ng naturang singer noong nakaraang taon, kung saan ipinakita niya ang hindi makagalaw na facial muscles dulot ng karamdaman.
Sa video, sinabi ni Justin na mayroon “full paralysis” ang isang parte ng mukha niya, kung kaya’t kailangan niya ng sapat na panahon para makarecover.
Kinansela ng Canadian Pop Star ang mga nalalabing schedule sa Justice World Concert para magpagaling.
Sa ngayon, ginugugol muna ni Justin ang oras sa mga pisikal na aktibidad at sa town travels kasama ang asawa na si Hailey Bieber.
Wala pang anunsyo ang singer kung kailan siya magbabalik Hollywood.
Photo courtesy from TMZ