-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ng Canadian singer na si Justin Bieber na na-hack ang kaniyang Instagram.
Kasunod ito sa lumabas na usapin na in-unfollow nito ang asawang si Hailey sa IG.
Mula ng makita ng mga fans ng dalawa ang pag-unfollow ng singer sa asawa ay kinutuban ang mga ito na sila ay maghihiwalay.
Huling nakita ang mga ito na magkasama ay noong nakaraang linggo kasama sina Kendall at Kylie Jenner sa isang ice ski resort.
Sa social media ng singer sinabi nito na nabiktima siya ng cyber hacking at nabawi nito ang account.
Matapos na mabawi ang account ay agad na nag-follow ito sa asawa.
Ikinasal ang dalawa noong Setyembre 2018 kung saan mayroon na silang anak na limang-buwan na si Jack Blues.