-- Advertisements --

Ipinagpatuloy pa rin ni Canadian singer Justin Bieber ang kaniyang performance sa Saudi Arabia.

Ito ay kahit sa panawagan na huwag na nitong ituloy ang pagtungo sa Saudi Arabia dahil sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi.

Sumulat kasi ang fiancee ni Khashoggi na si Hatice Cengiz kay Bieber na kung maari ay iboycott ang nasabing performance nito dahil sa pagpatay kay Khashoggi.

Maging ang Human Rights Watch ay nanawagan sa singer na huwag ng ituloy ang pagtungo sa Saudi Arabia dahil tila pagtatakip lamang ang nasabing events sa ginawa nilnag pagpatay kay Khashoggi.

Kasama ni Bieber na nagperform sa F1 race events ang kapwa singers na sina A$AP Rocky, David Guetta at Jason Derullo.