-- Advertisements --

Nagsampa ng $20 million defamation lawsuit si Justin Bieber sa dalawang babae na nag-akusa sa kaniya ng sexual assault.

Kasunod ito ng pagkalat ng Twitter accounts na nakilalang si “Kadi” na sinasabing ginahasa ni Bieber noong Mayo 2015 sa isang hotel sa New York City.

Ang pangalawang nag-akusa na alyas “Danielle” na sinsabing nangyari ang pang-aabuso noong March 10, 2014 sa Four Seasons Hotel sa Austin, Texas.

Ayon sa kampo ng Canadian singer na napaka-imposible ang pangyayari at imbento lamang ang nasabing alegasyon.

Dagdag pa ng singer na dapat ang mga alegasyon ng panggahasa ay hindi balewalahin at humingi na rin ito ng tulong sa Twitter para gumawa ng legal na hakbang laban sa mga Twitter na nag-akusa sa kaniya.