-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang Canadian singer na si Justin Bieber.

Dahil dito ay nakansela ang isang petsa ng concert nito na gaganapin sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Ayon sa kampo ng singer na walang gaanong nararamdamang matinding sintomas ito.

Hindi naman na binanggit pa ng kampo nito kung saan o paano siya nahawaan ng nasabing virus.

Nagsimula ang “The Justice World Tour” ng singer nitong Peberero 18 sa San Diego kung saan isa sa kaniyang audience ay ang asawa nitong si Hailey Bieber.