-- Advertisements --

Nanguna ang Canadian pop singer na si Justin Bieber sa pagbibigay ng donasyon sa Kobe Bryant Foundation.

Ito ay matapos na bumili siya ng Kobe-inspired artwork mula sa negosyante na nagsimula ng fund raising para sa MambaOnThree foundation.

Isang uri ng teddy bear na nakasuot ng jersey ng pumanaw na NBA star at may hawak pa ito ng basketball.

Nabili nito ang nasabing artwork sa halagang $1,200 at matapos ang dalawang araw ng magpost ito sa kaniyang social media account ay mabilis itong naubus at nakapag donate na sila ng nasa $12,480 o mahigit P600,000.