-- Advertisements --
Sumailalim na sa operasyon sa kaniyang na-dislocate na hinlalaki sa Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee.
Sinabi ng kampo nito na nagpapagaling na lamang ang 36-anyos na si Brownlee matapos ang operasyon.
Nakamit nito ang injury sa PBA Commissioner’s Cup finals ng Gins at TNT noong nakaraang buwan.
Nagtamo ito ng pagkapunit ng ulnar collateral ligament (UCL) ng kaniyang hinlalaki.
Una ng sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na umaasa itong gumaling na sa kaniyang injury si Brownlee para maisabak agad ito sa FIBA Asia Cup na gaganapin mula Agosto 5-17 sa Jeddah Saudi Arabia.