Humingi nang paumanhin ang PBA import na si Justin Brownlee sa Senado kaya nababalam ang pagproseso sa kanyang mga dokumento para sa kanyang naturalization process para mabigyan ng Filipino citizenship.
Target kasi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maging naturalized Filipino si Brownlee upang makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa susunod na taon.
Si Brownlee kasi ang ipapalit sa Filipino-American player na si Jordan Clarkson na meron pang commitment sa NBA team nito na Utah Jazz hanggang sa susunod na taon.
Ang pag-sorry ni Brownlee ay ipinaabot niya kay Senator Francis Tolentino, ang chaiman ng Senate Committee on Justice, na siyang namamahala sa naturalization hearings.
Tiniyak naman ni Justin na inaasikaso na niya ang kanyang mga dokumento o paperworks para maisumite na sa kongreso.
Aminado rin naman ang 34-anyos Ginebra import na na-delay ang processing ng kanyang mga dokumento matapos na pumanaw noon ang kanyang agent.
Liban kay Justin, pinapaspasan din ng SBP ang naturalization process sa isa pang PBA import mula sa TNT na si Cameron Oliver upang magsilbi ring reinforcement sa Gilas Pilipinas na ang makakalaban sa basketball World Cup ay mga NBA players.
.