Kinontra ng kampo ni Pinoy ring superstar Sen. Manny Pacquiao ang binitawang pahayag ni American boxer Keith Thurman na madali raw mahulaan ang mga galaw ng “Fighting Senator” sa ibabaw ng boxing ring.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa strength and conditioning coach ni Pacquiao na si Justin Fortune, hindi raw niya maintindihan kung saan hinugot ni Thurman ang kanyang pahayag.
Sinabi ni Fortune, mapapatunayan lamang ni Thurman ang kanyang pahayag sa oras na magharap na sila ng 8-division world champion sa darating na Hulyo 21.
Nagbabala din si Fortune na hindi hamak umanong mas mabilis ang kanyang alagang si Pacquiao kumpara sa WBA world welterweight champion.
“I don’t understand that. [Pacquiao] is the most unpredictable fighter you’ve ever seen,” wika ni Fortune. “We’ll see when Manny hits him.”
Una rito, sinabi ni Thurman na ang kanyang galaw at kaalaman ay magbibigay kay Pacquiao ng bagay na hindi pa nito nakikita sa kanyang karera sa boxing.
“For me his boxing tactics are predictable. He fights in spurts and you have to take advantage of that. You have to be respectful of his power,” ani Thurman.
“But I believe my movement, athleticism and ring knowledge will be able to present him something he’s not seen in all his years of boxing.â€
Nitong Huwebes, nagsagawa si Pacquiao ng ilang rounds ng sparring kasama ang kanyang mga sparmates na sina Tim Tszyu at Jaber Zayani sa Elorde Boxing Gym sa lungsod ng Pasay.