-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si Justin Timberlake kay Britney Spears at Janet Jackson.

Sa kaniyang social media account, nagpost ang singer ng paghingi ng paumanhin sa dalawang kapwa singer.

Dagdag pa nito na kaya niya ginawa ito ay dahil may pakialam siya at nirerespeto niya ang dalawang babae.

Magugunitang naging magkarelasyon sina Spears at Timberlake noong sila ay bago pa lamang sa pagkanta.

Habang nakasama ni Timberlake si Jackson sa halftime show ng SuperBowl kung saan naging usap-usapan na walang ginawa ang NSync singer ng dumanas ng wardrobe malfunction si Jackson.