-- Advertisements --
Ibinigay na lamang sa mga charities ng Juventus Football Club ang mga halos tatlong toneladang pagkain matapos na hindi natuloy ang semifinal games ng Coppa Italia at Inter Milan.
Ibebenta sana sa mga fans ang nasabing mga pagkain sa Allianz Stadium subalit dahil sa banta ng novel coronavirus ay napilitan ang mga iba’t-ibang sports events sa Italy ang kinansela.
Para hindi masayang ang mga inihandang pagkain ay minabuti nilang ibigay na lamang ito sa mga nangangailangan sa apat na charity organization sa Turin.
Bukod kasi sa tatlong toneladang pagkain na inilaan para sa mga supporters ay mayroong pagkain rin na inilaan para sa 4,000 katao ng premium suites ng club ang ipinamigay.
Kasalukuyang tabla sa 1-1 ang first leg ng torneo sa Milan.