Pumasok sa “Magic 12” si reelectionist Sen. JV Ejercito sa nagpapatuloy na partial official count ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC).
Sa huling tally ng NBOC kagabi ng hatinggabi, nalaglag naman si reelectionist Sen. Bam Aquino batay sa 89 na nabilang na certificates of canvass (COCs) mula sa kabuuang 167.
Mapapansin naman na nasa 227,109 votes ang kalamangan ni reelectionist Sen. Nancy Binay na nasa number 12 kumpara sa number 13 na si Aquino.
Sa kabilang dako sa ginagawa namang quick count ng KBP-PPCRV na mas malaking COCs na ang nabibilang nasa labas naman ng Top 12 si Ejercito at pasok din si dating Sen. Bong Revilla.
As of 5:26 kaninang umaga nasa 97.28% ng nationwide election returns ang nai-tally sa partial at unofficial results ng KBP-PPCRV.
Samantala narito naman ang partial at official results mula sa Comelec:
- Cynthia Villar (NP) – 10,416,332
- Grace Poe (IND) – 9,151,162
- Bong Go (PDPLBN) – 8,549,086
- Pia Cayetano (NP) – 8,417,229
- Bato Dela Rosa (PDPLBN) – 8,025,527
- Sonny Angara (LDP) – 7,699,782
- Imee Marcos (NP) – 7,157,978
- Lito Lapid (NPC) – 6,607,637
- Francis Tolentino (PDPLBN) – 6,552,739
- Koko Pimentel (PDPLBN) – 6,220,434
- JV Ejercito (NPC) – 6,079,028
- Nancy Binay (UNA) – 5,949,885
- Bam Aquino (LP) – 5,722,776
- Bong Revilla (LAKAS) – 5,677,321
- Jinggoy Estrada (PMP) – 4,696,167