BUTUAN CITY – Kailangan ng i-overhaul ang K-to-12 curriculum ng Department of Education upang ma-assess kung totoong epektibo ito o hindi matapos lumabas sa iilang mga international educational tests na nangungulilat ang mga mag-aaral ng Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Alliance of Concerned Teachers o ACT partylist Rep. France Castro na sa ngayo’y walang magpapatunay na epektibo ang naturang curriculum dahil hindi umano ito nag-develop ng managing, reading at basic skills sa mga bata gaya ng Science, Mathematics at Reading Comprehension kungsaan palaging bagsak ang mga Filipino students na sumasalamin sa mahinang creative thinking ng mga bata.
Handa umano ang ACT partylist na makikipag-ugnayan sa DepEd upang mas mapabuti ang curriculum nang sa gayo’y matiyak ang pag-develop sa creative thinking ng mga bata.