Plano ng Department of Education na bumalangkas ng bagong basic education curriculum kasunod ng nagpapatuloy na pag-repaso sa K-12 Basic Education program.
Ayon kay Vice President and Education Secretary Sara Duterte, natapos na ng kagawaran ang pag-review sa Kindergarten hanggang grade 10 habang kasalukuyang nirerevirew na ang Grade 11 to 12 program.
Sasailalim ito sa parehong proseso kung saan iprerepsenta ito para makapagbigay ng komento at suhestyon ang lahat ng sektor upang makabalangkas ang ahensiya ng bagong curriculum para sa K-12 program.
Subalit ayon sa VP, posibleng aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong taon bago maimplementa ang bagong curriculum para sa kindergarten to grade 12 (K-12) program.
Subalit target aniya na maisulong ang bagong curriculum at instuction strand sa loob ng isa o dalawang academic school year.
Sa ilalim ng K-12, minamandato ang mag-aaral na kumpletuhin ang anim na taon sa grade school, apat na taon sa junior high school at daalwang taon sa senior high school na layong mapalakas ang basic education curriculum sa bansa.