-- Advertisements --
Naghain ng reklamo sa korte ang komediyanteng si K Brosas laban isang kontraktor ng bahay.
Ito ay matapos na hindi tinapos ang pinapagawang bahay na nagkakahalaga ng mahigit P7 milyon.
Sa kaniyang Instagram account nagpost ito ng larawan habang nanunumpa matapos ang pagsampa nito ng kaso nitong Setyembre 10.
Hindi naman na idinetalye ng komediyante kung saang prosecutors office ito nagtungo at ang pagkakakilanlan ng kontraktor na nagtakbo ng kaniyang pera.
Dagdag pa nito na nagpagawa ito ng bahay noon pang nakaraang taon para makaiwas sa malaking bayarin dahil sa pag-upa nito ng kaniyang townhouse.