-- Advertisements --
Ibinunyag ng singer at komedyanteng si K Brosas na dinapuan ito ng COVID-19.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng kaniyang negative test results matapos ang 17 araw na pag-isolate.
Sinabi nito na labis na ito nagpapasalamat dahil COVID- free na siya matapos ang isolation.
Inalala pa nito na nagkaranas siya ng “mental torture” na kung saan naghabilin pa ito sakaling hindi siya makaligtas mula sa sakit.
Noong Pebrero 2020 ay na-diagnosed na rin ang singer ng suppressed depression.