-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Korean girl group na New Jeans na sila ay umalis na sa kanilang agency.

Inakusahan ng grupo ang kanilang agency ng hindi tamang pagtrato at ang pag-mamanipula.

Isa sa limang miyembro ng grupo na si Hanni ang nagsabi na ang tuluyan na silang pinabayaan ng kumpanya.

Ang nasabing hiwalayan ay siyang pinakabagong awayan sa pagitan ng dating New Jeans producer Min Hee-Jin at Hybe’s chairman Bang Si-hyuk.

Dagdag ng grupo na hindi lamang sila nakadama ng nasabing pagmamaltrato kasama na rin aniya ang kanilang mga kasamahan.

Pinagbabayad naman ang grupo ng aabot sa $216-milyon dahil sa nakakontrata pa sila sa kumpanya ng hanggang 2029.

Ang New Jeans ay nabuo noong 2022 na ang mga miyembro ay sina Minji, Hanni, Danielle, Haerin at Hyein kasabay nila ang BTS.