Inanunsiyo ng Kpop girl group na New Jeans na sila ay magpapahinga muna.
Ang nasabing anunsyo ay matapos ang ginawang sold out show ng bagong kanta nila sa Hong Kong.
Ilang araw bago ang pagtatanghal ay pinagbawalan ng korte ang grupo na magtanghla ng musical o anumang commercial activities.
Ayon sa grupo na bilang respeto sa ruling ng korte ay minarapat silang magpahinga.
Nitong Biyernes ng panigan ng Seoul Central District Court ang record company na Ador kung saan sa tagal ng kaso niya sa grupo at ang paghihiwalay nila sa kumpanya ay siyang nakasira sa reputasyon ng kumpanya.
Ang five-member group ay inakusahan ang kumpanya ng hindi tamang pagtrato at pagmanipula sa kanila.
Itinakda naman sa Abril 3 ang pagdinig sa kasong isinampa ng record label na Ador.