-- Advertisements --

Gagawa ng ingay at kasaysayan ang Korean group na Seventen sa taunang Glastonbury Pyramid Stage.

Sila lamang ang K-pop group na magtatanghal sa main stage ng Glastonbury.

Ang Seventeen ay binubuo ng 13 miyembro na nakabenta ng mahigit na 10 milyon albums noong nakaraang taon.

Ang mga miyembro ay kinabibilangan nina: S Coups, Jeonghan, Joshua, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, DK, Mingyu, The8, Seungkwan, Vernon at Dino.

Gaganapin ang Glastonbury festival mula June 26 hanggang 30 sa Worthy Farm, Pilton, Somerset sa England.