-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang K-pop group na Seventeen sa pagtanghal nila sa Lollpalooza Berlin music festival.

Sila lamang kasi ang unang K-pop group na nagtanghal sa nasabing music fest na ginanap nitong Setyembre 9.

Umabot sa 19 kanta na labis na kinagiliwan ng mga fans na ginanap sa Main Stage Sout ng Olypiastadion sa Berlin, Germany.

Mayroong lamang 12 na miyembro ang nagtanghal dahil ang miyembro nila na si Jun ay mayroong ibang personal na lakad.

Ito rin ang huling pagtatanghal ng miyembro nila na si Jeonghan bago ang pagpasok niya sa military.

Pinasalamatan ng grupo ang mainit na pagtanggap sa kanila.